Question #1

anong trabaho ang nararapat sa akin? Yung magiging masaya ang puso ko…

**may gusto akong trabaho pero may gumugulo sa isipan ko kaya’t hindi ko ito makuka-kuha. Hindi ako makapag desisyon ng maayos dahil hinid ko rin mai-let go ang ang ilang mga bagay at isa rin iyong dahilan upang hindi ko mkuha ang trabahong nais ko at alam kong makapagpapaligaya sa puso ko.

ang Desisyon ay nasa akin, subalit dahil sa mga humahadlang at sa magulong isipan meron ako, wala akong desisyong mapagdesisyunan..

CARPICORN - nature ko na maging MATIGAS ang ULO at MABAGAL MAGSAGAWA ng mga DESISYON

(Tama nga siya) Saktong sakto sa personality ko..

Question #2

Sa dami ng aking mga kaibigan, at well common knowledge naman sa lahat na HINDI LAHAT ng KAIBIGAN NATIN ay TOTOO… panu ko malalaman “If I have to let go na or Should I Hold on pa”

**I am the type nga KAIBIGAN na todo bigay at effort. (Tama)

**Pangmatagal ang Pagkakaibigan na kaya ko ibigay.. (Tama)

**pero dahil sa ugali kong ito, ako rin ang uri ng kaibigan na madalas Naaabuso. (Tama)

for me kasi, pag may nagustuhan akong tao at GUSTO ko tlga siyang maging kaibigan, ginagawa ko ang lahat upang sila ay mahawakan at maalagaan upang alam ko sa sarili ko na gumagawa ako ng paraan upang sila ay makita kong nananatili sa aking buhay ng pangmatagalang panahon… whch is tama, may mga pagkakataong I was taken for granted na lang at may mga pagkakataong Inabuso.. (financially and emotionally)

CAPRICORN - hindi ako mahirap isama sa isang grupo ng mga tao dahil madali naman makapasok sa bakuran ko at hindi ako mahirap kaibiganin..

**try mo mawala pansamantala. at tignan mo kung sino sino sa mga kaibigan mo ang mgaki-CARE na hanapin ka or mag-CARE man lang na kamustahin ka..

at pagdating sa PAGBIBIGAY, pag napansin mo na parang LAGI na lang ang BENEFIT ay patungo sa kanila, paulit-ulit na at wala ka namang napapala… LET GO! Ginagamit ka na lang NON!!

Question #3

PAG-IBIG. Malas ba ako? Bakit wala pa rin?

**may pangyayaring naganap sa buhay mo na hindi mo mapakawalan kaya’t hindi ka pa rin nakakakita ng Pag-ibig hanggang nayon.

**may nagho-HOLD BACK lagi sa iyo at natatakot kang magtiwala sa mga nsa harap mo kaya wala ka pa ring pag-ibig hanggang nagyon..

**PATIENCE ang kailangan mo

for me, share lang base from my past and as I evaluate most of the person I met is mga taong sweet pero halos lahat is sa SIMULA lang. MOStly MAY GUSTO lang naman sila sa akin sa SIMULA..pero eventually wala rin..

Stability kc ang ninanais ko..

ayoko sa mga SWEET na tao ksi nahihirapan akong magtiwala na kaya niyang panindigan yun ng pangmatagalan..

PARA sa akin MAs SWEET kung tutuusin yung taong MAKIKITA mo sa TABI mo ng ilang TAON kesa ang mga taong sa gawa lang sweet at sa salita..

(Umiiral na naman ang katigasan ng utak ko.. madali magsarado)

PATIence - kailangan ko lang daw tlga maghintay ng tamang panahon dahil “ANG PAGIBIG daw ay HINDI HINAHANAP…KUSANG DUMADATING”

pero tumatanda na ako..

andito na sa utak ko ang TAKOT.. pakiramdam ko, napag-iiwanan na ako ng panahon… =(

PERO TOTOO halos lahat ng SINABI ng mga BARAHA. una hindi ako naniniwala.. pero first time ko lang nakita buong buhay ko yung taong nagbasa sa akin pero LUMABAS sa kanya mismo ang mga ganung uri ng personalidad meron ako na ALAM kong HINDI masyado napapansin ng mga TAO sa paligid ko..

#cute

#GREAT EXPERIENCE